ang kilala ko lang na pumunta ay sina polanco, josie, at mikem. patawa pa din si jaja. sa boracay daw sila maghohoneymoon tapos balik na sila ng australia. si kit at mikec na ineexpect ko na pumunta ay hindi pumunta. sayang at di ako nagdala ng daing na nasa bayong para sa bagong kasal, natupad ko sana ang pagiging 100% probinsiyano ko hehehe.
dumeretso na ko sa reception. dahil ayaw nung taxi na pumunta pa ng simbahan. (oo nga .. bat aprang siya pa yung namili kung asa ko manaog). sa reception, nalate silang dumating ng 2 hours. okey naman dahil nakitsismis na lang ako sa mga nagbabantay sa harapan nung building. mga taga san pedro pacita din pala sila. tinanong ko paano lumabas dun. dahil wala akong nakitang jeep na dumadaan.
nagbalitaan na lang kami sa isat isa habang kumakain. sino ang patay na. si duarte. sino ang nagasawa na. ivy ikaw yun hehe. naisip ko din na ang tagal ko nang di nakita si jaja. mga higit kumulang sampung taon na din pala. sa panahon dumaan, naging hiwalay na din yung mga pinagdaan namin. samakwatid, nanatili sa colegio ang pagkakakilala ko kay jaja at sa mga dumating. nakakpanibago tuloy na matanaw ko sila na mga professional na. hehehe. parejas din ang aking pakiramdam sa mga iba kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita o nakakausap man lang.
sa kalagitnaan, pinapak ko yung century eggs. siguro naka tatlo akong plato ng cenutry eggs. hehehe katung itim na parang boiled egg. at sa bago oras na nung tinatawag ang mga wala pang asawa. naramdaman ko na parang hindi tama. naramdaman kong matanda na ako para sa games. buti na lang din. si polanco din ay paalis na din. sumabay na lang ako sa pagalis.
1 commentaire:
Kinasal na pala si Jaja. Kapwa pinoy din ba naging asawa niya?
Karamihan ayaw ng hitsura ng century eggs. Parang bugok na ang mga hitsura. Tsaka parang gelating silang kainin, na kakaiba ang lasa. Nagdidiyeta ka ba at yun lang ang pinapak mo? ;-)
Enregistrer un commentaire