dimanche, décembre 9

parolado

itong dalawang artista yung dumalo sa bahay. irma daw yung pangalan ng babae at ronnie lazaro yung lalaki. kilala ko yung lalaki sa tv. madalas na inaapi yung role niya.

c'est quoi? ang isang parolado ay taong galing bilanguan na nakalaya na. nuong jueves may kumatok sa pinto namin at ang sabi ay galing daw sila sa department of justice. nagpaalam sila na gagawa sila ng isang palabas na ang tema ay tungkol sa parolado. napili nila ang bahay namin sa laguna bilang background para sa dokumentaryo. marahil dahil mukha itong gusgusin. kung baga lower middle class na tao ang nakatira dito. ordinaryong pilipino. pero naisip ko din na baka dahil sa maliwanag at malawak ang espasyo sa labas. may maliit na garaje at jardin sa katabi.

pag dating ng linggo. dumating na ang crew. ang dami palang tao sa akala namin maliit na produksyon. siguro sobra sa bente ang mga tao. nakita ko yung director. di ko kilala. pero kamukha niya si woody allen. mukhang matalino. balak ko sanang manuod ng golden compass sa bagong gawang SM Muntinlupa (malapit sa amin) pero di na ako nakapunta dahil nanuod na lang ako nung filming.

di ako mahilig manuod ng mga palabas sa tv. lalo na kung pilipino. pero mahilig ang mga kasama ko sa bahay. kaya nakikinuod na lang ako sa kanila. yung dumalo na artista ay may kasikatan na din. si ronnie lazaro (?). kilala ko siya dahil siya yung gumanap na tatay nung palabas na pinapanuod ni mama tuwing gabi. yung ibang artista na marahil asawa at anak ni ronnie ay magada pero di ko din kilala. tinanong ko kapatid ko kung kilala niya. nakikita niya din daw sa tv yung mga yun.

mahiyain kasi kaming magpamilya kaya sa loob lang kami ng kwarto nanatili habang tinapos nila ang filming sa kusina. na kung akong tatanungin ay talaga naman mukhang skwatter ang dating ng kusina namin kaya siguro napili nila. héhé ..

4 commentaires:

rob a dit…

gaing a max, may film shooting pa sa bahay niyo. Perhaps in the future it can also be a venue for a 'live' podcast recording, complete with istambay as the live viewers, hehehe.

jio a dit…

Sana nagpaautograph ka sa dalawa, Max. Kilala ko yang si Ronnie at iyang si Irma (pareho magaling sa teatro).

Angkop lang siguro ang lugar ninyo para sa tema ng dokumentaryo kaya napili nila para sa shooting (kung ano man iyon) ;-)

Ako rin, not much into Pinoy TV shows and films. May konting exceptions, pero madalas American or British films/TV napapanood ko. Westernized ako, grabe... Hehe.

What This Fool Believes a dit…

Eh kung ako naman si Ronnie Lazaro o di kaya si Irma Adlawan, magpapa-autograph ako kay Max!!!

Max sana nag-cameo role ka!!

Sidney a dit…

You made my brains work here... ;-)
Don't think I fully understood it but maybe this is your chance to become a famous artist ! If they start to film in your house they might want you as leading star in their next movie!
Galing !